4.23.2013

Ang Pagbabalik



"Kung saan ka man mapunta, sana magkita ulit tayo..."

Dalawang taon na rin akong di nagsusulat. Ilang araw ko ding pinagisipan kung babalikan ko pa ang parte ng buhay kong ito. Ang isang bagay na masasabi kong nagdala ng maraming masasayang alaala sa aking "maikli na medyo makulay na lakbay" sa mundong to.

Ginawa ko ang blog na to, January 20, 2009. Ilang beses ko na ring pinindot ang, "forgot password". Marami na rin akong post na nagbigay ng maliit na kasikatan sa aking  feeling-sikat-na-writer-wannabe fantasy. Oo, gusto ko rin maging Bob Ong at PMJ dati. Oo, pinangarap ko rin manatili lang sa kwarto, magsulat, kumita ng maliit na pera, tago sa tao at maging masaya sa ginagawa ko.

Ang unang linya ay sinabi sa akin ng isang malapit na kaibigan. Bilang malapit na kaibigan, binalikan ko rin to. Ang picture sa taas ay isa sa aking mga napuntahan na maraming alaala, masaya at malungkot.

"Masarap balikan ang nakaraan, pero mas importanteng harapin ang kinabukasan"

1.20.2009

PAUNA

Oras oras marami ang sumusulat
Marami ang nagiisip kung ano ang ilalagay
Pagsasalita gamit ang isip at kamay
Para ang tao ay maimulat
Ako yata ay isa dun
Nakakaenganyo ilabas ang nararamdaman
At lalo na, ang nalalaman
Ang Pagsusulat ay pagkwekwento
May paksa, May lagda
May aral
-Bart Tolina

-Bart Tolina
























8.24.2011

Mga Taong Facebook

BY BART TOLINA

Ilang taon na rin akong gumagamit ng Facebook. Di mo maiwasang husgaan ang ibang tao dahil sa kakaibang kilos at gawain nila. Yung iba, matutuwa ka. Yung iba nama'y maiinis ka. Kaya heto na. Tamaan na ang tamaan.

1. The Loner- Ang tao na tuwing nagpopost, walang nagcocomment o kaya like. Di naman sya papansin. Wala lang talaga pumapansin sa kanya.

2. The Liker- Ito ang evil twin ng Loner dahil nila-like ang sariling post. Ang masakit dun, sya lang ang nag-like. Papansin lang talaga. (exception: pwede mo i-like sarili mong post kung benta ito at maraming naglike at comment)

3. The Mayabang- Lahat ng post ng taong to ay lahat kayabangan. Napaka-Narcist ng taong to. Di magoover-heat ang Laptop or PC dahil masyadong mahangin.
Example ng post: "Ako ang pinakamagaling sa Basketball sa lugar namin. MVP ako syempre walang tatalo sa akin"
Sagot ko: "So who putang ina cares?!"

4. The Pakitang Tao- Ito ang evil partner ng The Mayabang pero ito naman ay more on sa bagong gamit nya. Nakakainis dahil bakit pa kailangan malaman ng buong mundo na meron kang bagong phone or camera?
Example ng post: "Look at my new phone.. I love you Mommy! and to the rest of the World, Sorry na lang kayo!"
Sagot ko: "So who putang ina cares?!"

5. The Picture Addict- Ito naman halos minuminuto o kaya araw-araw laging may pinopost na picture. Ang makikita mo lang ay mukha nya (80% panget). Nakakairita at please kailangan pa naming kumain. At sa lalaking The Picture Addict: bakla ka brod

6. The Bitch- Ang babaeng laging nag-mumukmok sa Facebook. Papansin din to tulad ni The Liker. May ADD ata.
Example ng post: Wala ako makain huhuhu :'(
Sagot ko: "So who putang ina cares?!"

7. The Emo- Ang lalakeng wala ng ginawa kundi mag-emote sa Facebook. Mag-aral ka na lang boy at may mapapala ka pa.
Example ng post: Bakit buhay ko ganito ganyan.. Ayaw ko na mabuhay kung wala ka :(
Wala na sya pakialam sayo boy


8. The Photographer- Ang taong laging may pinopost na magagandang picture. Mayroon syang DSLR at alam nya talagang gamitin. Manual ginagamit at hindi Auto

9. The Feeling Photographer- Ang Opposite ng The Photographer. Isa rin syang The Pakitang Tao. Di naman maganda mga kinukuha. Di porket may DSLR ka ay sikat ka na hoy. Wag na ma-feeling please at ibenta mo na yang DSLR mo.
Picture nya: Poste at ang message: wala as in poste lang talaga.

10. The Police- Ang taong police ng Spelling. Mga pinadala galing ng Langit. Madalas kinaiinisan ng maraming di marunong mag-Spelling.
example ng comment: *though
Sagot ko: hehehe

11. The Unkown- Magtataka ka na lang bakit mo sya friend dahil di mo naman sya kilala. Pag chix na The Unknown: Aprub! Ok lang na friend

12. The Chix- Di mo kilala pero in-add mo pa rin dahil maganda or sexy.
Prinsipyo ko sa Facebook: "Bawal mag-add ng di mo kilala na hindi chiks"

13. The Doble Cara- Ang taong maingay sa facebook pero sa personal ay tahimik at mahiyain.
Sa Facebook: "Oi! Kamusta na? Napakabait mo talaga at ang ganda mo"
Sa Personal: .... ah hehe

14: The Pogi- Ang taong maswerte sa Facebook. Tuwing nagpopost ay maraming nagla-like at nagcocomment. Malimit lang sya magpost. Idol ng marami. Parang Ramong Bautista lang.

Hindi ako perpekto at masasabi kong isa akong The Doble Cara, The Emo, The Feeling Photographer, The Unknown, The Police at minsan ay The Loner at kadalasan ay The Pogi (Kapal parang The Mayabang lang).

Siguro di pa kompleto ang listahan na yan. Kayo na mag-completo at ako'y mag-Fafacebook pa. Ikaw? Ano ka? Ay wala kang Facebook? "LOL"

-BT

8.08.2011

KAMUSTA NA ANG INIDORO KO


Pakilala ulit:
Ako nga pala si Bart Tolina, dating active na magsusulat. Gusto ko ulit buhayin ang aking blog. Sana makilala nyo ulit ako. Kapal ko talaga.

Ano nangyari:
Kahapon, galit ako sa mundo. Di ko alam gagawin. Kaya napag-isipan kong pumunta sa website na puno ng mga videos, walang aral at malalaswa ang tema. Alam nyo na siguro tinutukoy kong website. FYI, Legal na po akong i-click ang "Enter" sa mga ganung website. Nung tina-type ko mga unang letra nung website, lumabas ang, "barttolina.blogspot.com", address ng blog ko, ang nakalimutang inidoro ng minamaliit kong mundo.

Kaya ngayo'y nagsusulat ulit. Masarap magsulat. Lalo na't marami kang iniisip. Akala ko, ako na pinaka-loser. Akala ko napaka-laos ko. Akala ko napakahina kong tao. Akala lang pala.

"Everyone have their own inodoro, a place to dump unwanted thoughts and drop off the shit off their minds."

Dati, mga pinopost ko, yung alam kong kikita sa mga readers. Pero ngayon, wala na akong pakialam kung magiging masaya o i-cloclose agad ng reader ang blog ko. Ang importante, nakapagbawas ako. Solb na ako.

Hanap ka na ng inidoro mo. Akin, itong pagsusulat. Linisan mo lagi inidoro mo. Ok lang pag may makigamit.

(Yung logo sa itaas, ok dyan.)

2.10.2011

Kaibigan

Ang kaibigan parang ID mo sa mga pinasukan mong school, yung iba nawawala pag may baha, yung iba nasisira at yung iba nama'y nakatago na sa mahiwagang kahon mo
- Bart Tolina

12.15.2010

Ang Tunay na Diskriminasyon


Ang Diskriminasyon ay ang paghusga sa kapwa.

Ang kadalasang diskriminasyon sa Pilipino ay madalas daw nangyayari sa ibang bansa. Ang di natin alam, ang tunay na diskrimasyon ay tayo. Di to napapansin at naitatala pagka't ayaw nating aminin na tayo rin ang humuhusga sa kapwa Pilipino.

Umuwi si Jack sa Pinas para ayusin ang kanyang bahay sa Pasay. Si Jack mismo rin ang nagayos ng kanyang tahanan.

Habang nagaayos ng kanyang bahay si Jack, siya'y biglang nagutom. "Pare, kain muna tayo", sabi nya sa isang kumpare na tumutulong magayos ng bahay. Ang suot lamang ay sando at butas-butas na short, si Jack at ang kanyang mga kasama'y lumuwas gamit ang isang tricycle. Sa karinderia sana sila kakain pero mas trip ni Jack sa isang sikat na resto na manok ang special.

Pagdating ng resto, pinark nila ang tricycle. Nakita sila ng security guard. "Hoy ano yan, itabi nyo yan", sabi ng Sikyu sa Jack.

"Customer po kami", sabi ni Jack sa sikyu na mukhang nabigla. Hindi pinansin ni Jack ang pagbati ng sikyu sa kanila. Pumasok sila sa resto. Pagkapasok sa resto na yun, nandun ang hostess sa front desk, na ang tanging trabaho ay batiin at pagserbehan ang mga bagong dating na customer.

Mukhang nandidiri ang hostess sa mga suot at dating nila Jack. Tiningnan lang nya sila. At maya-maya'y tinanong sila Jack.

"Ano po kailangan nyo?"

"Ano pa ba? Eh di kakain po, miss." Halatang nababadtrip na si Jack sa pinapakitang "diskrimasyon" ng mga empleyado ng resto na yun.

Mukhang napahiya ang hostess at itinuro sa kanila ang table at bingay ang menu. Nagorder ng masasarap na pagkain at ang manok na special ng resto. Dumating ang pagkain, at kumain sila Jack at mga kaibigan.

Pagbabayad. Hindi nakadala ng cash si Jack kaya kailangan nyang gamitin ang kanyang Credit card.

"P 1,520 po". sabi ng waitress. Iniabot ni Jack ang credit card sa waitress. Mukhang nagdududa ang waitress. Umalis. Maya-maya'y may isang kasamang tao, ang Manager.

"Taga saan po kayo? May ID po ba kayo?"

"Bakit ganito dito?! eto!", galit na galit na inabot ang California ID ni Jack.

Maitim ka man o maputi, maganda o panget, sikat o hindi, mayaman o mahirap, foreigner o tambay, mataba o sexy, doctor o conduktor, lawyer o barker o kahit sino man sa atin. Sana ay ang tuwid na linya ay masunod nang tama. Ang pantay na lipunan ay di nalalayo sa isang matagumapay at masaganang bayan. Pigilan ang matagal nang sakit ng ating lipunan.

Ngayon, siguro'y iniisip nyong napaka-kapal ng mukha ko at nagmamalinis ako. Di po ako nagmamalinis, ako rin nama'y di perpekto at inaamin ko na isa rin ako.

Sana ang mensaheng to'y umabot sa bawat Pilipino. Di man natin mapigilan ang diskriminasyon, pero maraming paraang mabawasan ito.

-Bart Tolina

5.09.2010

Ano ang meron sa Quiapo at Recto?


Ito ang araw ng pagpapalit ng mga snatcher at holduper sa may Quiapo at Recto sa pagka't tapos na ang oras nila. Yung iba nama'y di pa rin nakuntento at gusto pa ring manatili sa Recto at Quiapo.

Ano ba ang meron sa lugar na yun? Ang simbahan? Mga sinehan? Mga bentahan ng pirata? Mga sasakyan? Mga jeepney? Mga tren? Bentahan ng bolitas? O mga taong pwede nilang lokohin at dugasan?


1.31.2010

Tug-of-War

(Matagal ko nang planong magsulat tungkol dito, ngayon lang naglakas-loob, este nasipagan)

Nung mayor pa ng Maynila itong si Beach Lover, dinevelop nya ang Baywalk sa may Roxas Blvd. Nilagyan nya ng ilaw at nagkaroon ng mga resto at bar. Masaya at maingay. Pero at least, may iba pang pangtatambayan ng mga tao, hindi lang sa timog, eastwood o starbucks.

Pero, nung bumalik sa pagka-alkade tong si Mukhang Tulog, pinatanggal nya to. Naglaho ang kasiyahan at naging madilim ang paligid ng Baywalk. Inibaya nya ang so-called," paradise ng mga taong-grasa" dahil marami daw nag-cocomplain na maingay at marami daw krimen na nangyayari dito. At isa pa, di daw nagbabayad ng buwis ang mga establisyimento sa Baywalk. May point siya.

PERO:(Sa tingin ko)

Maingay at Magulo:
Kung maingay at magulo ang Baywalk, eh dapat pinasara na rin sana ang Timog, E. Rod, Malate, at ibang hot spot ng mga bar at happenings.

Buwis:
Kung di nagbabayad ng buwis ang mga resto at bar dun, pwede namang singilin sila o kaya bigyan sila ng order na kung di sila magbabayad eh banned sila. Imposible namang LAHAT ng mga establishimento dun eh hindi nagbabayad. Kayang kayang naman ata ni Manny Pacquiao magbayad ng tax (Knock out resto/bar)

Ewan ko lang ah. Pero parang may butas.

Mall of Asia. Yung likod nun, parang Baywalk.
Nung nawala ang ilaw ng Baywalk, bigla ba namang lumitaw tong sa likod ng Mall of Asia.
Parang may mali.
Kaya ang mga tao sa likod na lang ng MOA sila pupunta. Which means, Kung pupunta sila dun, eh mamasyal na rin sila sa MOA.

Hindi ako nagprepresume mga kapwa pilipino. Pero bakit. Ganito na lang lagi. Ang kasalukuyang naka-upo, may proyekto. Pero nang mapalitan siya, etong papalit naman, di nya itutuloy ang nasabing proyekto, gigibain at mawawalay. Sayang ang pera! Kung saan mabibili na natin ng maraming libro ang mga magaaral o kaya idagdag sa sweldo ng mga ulirang manggagawa.

Hindi ko pinapanigan si Beach Lover kasi ayaw ko rin siya. Kasi lagi ko na lang nakikita sa mga laban ni Pacquiao. Inuuna pa ang laban kaysa sa bayan.

Si Mukhang Tulog naman, hindi sa masama ang tingin ko sayo. Ngunit pag titingin ako sa may-ari ng MOA eh, parehas sila ng mata.

Ang di-maalintanang kapangyarihan ang humihila sa Pilipinas. Madali tayong iwala ng kapangyarihang ito. Dapat, tayo rin ang mag-gago sa kanila. Para sa huli eh, sila ang talo sa tug-of-war.
Bart Tolina

1.24.2010

Online

Makita ko lang na
"____ is typing..."
sa YM.

Masaya na ako

dahil sa mga salitang to nakikita na di mo ako binabalewa
Kahit na sobrang kulit ko na

-Bart Tolina

1.20.2010

Ang Banal na Pandesal


Kanina, pumunta ako sa Jollibee. Bumili ng 2-piece chickenjoy at extra rice.

Dumeretsyo ako sa upuan. Ise-serve na lang daw.

Nung binigay ang pagkain. may mga coupon akong natanggap. Inisa-isa ko ang mga ito.

Nakita ko: "FREE LITTLE BIG BITES"

Naku, tamang tama.

Mabilis kong inubos ang 2 piece chickenjoy at extra rice.

Pumunta sa counter.

Sabi ko sa babaeng nasa counter: Miss! (sabay pakita ng slip with matching smile at kindat)

Sabi nya: Ay. Sir sa next visit nyo ho pwedeng i-claim to.

ABY! (Ano Ba Yan!) Wala namang nakalagay na "On Your Next Visit" eh. TBT naman oh (Tanginang Buhay To)

Biglang napaisip ako.

Nagulat si babaeng nasa counter.
Dahil

Bigla akong lumabas at agad-agad pumasok.

Bigla kong binati nang nakangiti (at siyang nakanganga): Hi Miss! Anu na Balita? Tapos pakita ng slip with matching smile and kindat

Babaeng nasa counter: (Medyo natatawa na di alam ang gagawin) Ahhhhh (Sa isip nya siguro eh :"Hindot naman tong si Sir! Disperado sa lintik na pandesal hmmp)

"Ahh.. Sir.. Bukas ho. Pwedeng nyong i-claim"

Sabi ko kanya: "Panu kung ngayo'y ibigay ko ang slip na to sa pulubing nasa labas. Ano ang pinagkaiba?" At pagkatapos, takbo sa kotsye ng barkada ko. HAR (Hit and Run)

Hindi naman sa nabadtrip ako. Pero sa totoo nabadtrip ako. Lintik na pandesal. Bili na nga lang ako sa Vallejo Bakery.

"Sa Pagbebenta. Ang batayan ay hindi sa presyo. Ito ay alphabetical"

-Bart Tolina