2.18.2009

Ang Pagibig ng Pitaka

Ang lalake ay isang pantalon, kahit hindi labhan, hindi mangangamoy. Pag madumihan, hindi halatado.

Ang babae ay isang panyo. Kung di labhan, ay mangangamoy. Pag madumihan, halatado.

Kaya ang panyo ay nilalagay sa bulsa ng pantalon para pagtakpan ang panyo.

Ganun kamahal ng lalake ang babae. Kahit putikan ay ibubulsa pa rin nito.

Pero: Kung minsan, ang pagibig na iyon ay hindi sapat. Dahil minsan, nabubutas rin ang bulsa.

-Bart Tolina

Opportunidad

" Ang opportunidad sa buhay ay parang saging. Habang tumatagal dumidilaw. Dahil sa gusto mo itong maging perfektong dilaw, pinapalipas mo ang mahabang panahon. Hindi mo namalayan, itim na pala.."
-Bart Tolina

Mga Klase ng Basketbolistang Pinoy Part 2

  1. The Culprit- Hindi namamasa. Parang siya ang bumili ng bola.
  2. The Actor- Magaling kumuha ng foul dahil nga, magaling magacting. Ang paborito niyang linya ay, "wala, foul is foul!".
  3. The Banker- Madalas umupo sa tabi at siya ang kadalasang pinagkakatiwalaan ng mga cellphone at pitaka ng mga naglalaro.
  4. The Big Shit- Malaking tae sa tagalog. Panakot sa kalaban dahil malaki. Unang tira pa lang, shock na ang mga kalaban.
  5. The Model- Masyadong mapormang maglaro dahil sa dami ng accesories na nakasuot. Pero pagdating sa laro ay parang asin na maga.
  6. The Extra- para makumpleto ang 5-on-5 o 3-on-3, niyaya siya dahil kulang. Madalas di pinapasaan. Pero sa isang point, sasabihin ng isang player sa isa, "uy, pasahan nyo naman siya oh". ngek, thoughful.
  7. The Cashier- walang duda, siya ang pinakaimportanteng tao sa court. Siya ang humahawak sa pusta.
  8. The Tax Evader- Madalas hindi magbayad ng pusta dahil wala naman palang pera.
  9. The Butt-Man- Laging ginagamit ang pwet. Lalo na pagmagsho-shoot, ang pwet ay pababa na paturo. Malakas ring mag-boxout.
  10. The Boy Abunda- Pasimpleng humahawak ng pwet.

2.03.2009

Mga Klase ng Basketbolistang Pinoy

Ito ang mga iba't ibang klase ng Basketbolista sa Pinas.

  1. The Boy-Radiator: Masipag tumakbo from end-to-end: Kahit hindi napapasaan, takbo pa rin ng takbo.
  2. The Boy-naTrapik: Masipag din tumakbo papunta sa ring nila. Pero papunta sa ring ng kalaban ay stop-over muna.
  3. The Yosi-man: Hindi makatakbo kaya ang sinasabi palagi sa mga kasama ay, " Epekto ng yosi to. phew!".
  4. The Anak-Alak: Hindi rin makatakbo dahil sa mabigat na tiyan dulot ng paginum.
  5. Anak-Pawis: Sobra kung pumawis kaya pag ikaw babantay sa kanya ay mababasa ka.
  6. The Parent: Mahirap kalaro dahil player na nga refiree pa. Magulang sa Tagalog.
  7. The Giver: Pag nagkakairian at nagkakalitohan sa tawag: Ang sasabihin niya ay, "Sige, sige.. bigay na"
  8. The Misser: Pagmay miss, siya palagi ang nagmimiss. (Sa mga di nakakaalam ng "miss", pwes hindi ka pinoy bolista.peace)
  9. The Jinx: Pinipilit ang pagiging magaling. Pag di nakaka-shoot ay ang sinasabi ay, "Malas ko ngayong araw na to!"
  10. The Pretty Boy: Pa-cute maglaro. Panay ang ayos sa buhok at lalong gumagaling pag may mga chiks.
  11. The Smelly Boy: Mahirap kalaro. May advantage sa kalaban.
  12. The Automatic: Hindi na nagdadalawang isip, pagkapasa sa kanya ay shoot agad.
  13. The Grand Canyon: Madalas malibag. Pag itinaas ang kili-kili ay kita ang 4 lines. At kung minsan sa neck.
  14. The Runner: Madilis timakbo pag nakashoot.
  15. The Borrower: Madalas masira ang tsinelas kaya madalas humiram sa mga nanonood o kaya sa kanyang batang kapatid.
  16. The Call-boy: Kadalasan habang mainit ang laro ay biglang tatawagin ng nanay o kapatid kaya nabibitin ang laro.
  17. The Prodigal Son: Ayun, bumalik si "The Call-boy" dahil tapos nang nagsaing.
  18. The Likas Papaya Boy: Ayaw magparaw habang naglalaro.
  19. Batang Kris Aquino: Madaldal kaya madalas magsisi ng kasama.
  20. The Piso boy: Natapalan ng kalaban kaya ang nasa isip lang ay ang bumawi sa tumapal.
  21. The Low-Bat: Unang shoot ay kapos kaya ang sinasabi ng mga kasama ay, "ah nag ****** to!". Sabay sagot ni Low-Bat, " hehehehe".
  22. The MVP: Kahit ibwaya nya ang bola ay wala pa rin complain galing sa mga kasama. Kahit magmintis sya, ok lang: Dahil siya lang naman ang umii-score.

May Part 2 pa 'to.

1.28.2009

Liham

Dear kuya Bart,
Meron akong problema. Hindi naman ito sa kalakihan pero nais ko lang ilabas.

Taga QC ako. Ako'y 24 years old na ngayon. Simple lang buhay ko. At Nakatapos ako ng kolehiyo. Mayroon akong kapitbahay. May natapos ako, habang siya ay wala. May trabaho siya at ako nama'y wala. Nakabili na siya ng kotsye habang ako'y commute lang. Alam mo ba kung saan siya nagtratrabaho? sa Call Center. Ako? Nagaral ako ng 4 na taon sa kolehiyo, at ngayon, walang trabaho at walang asenso. Ayoko namang pasukin ang Call Center dahil nakakahiya iyon sa aking korsong napili at lalo na sa aking mga magulang na naghirap para makatapos lang ako.

Ito ba ay nakakatulong sa ating bansa. Kung saan kahit wala kang tinapos ay aasenso ka sa pagiging Call Center agent. Panu na ang mga kabataang sumusunod sa akin? Mag-pupursigi pa ba silang magtapos ng kolehiyo lalo't alam na nila na ang tungkol sa Call Center?

Ano ang masasabi mo kuya Bart Tolina.

Isang kapitbahay,
Noel


Buti at nagsulat ka sa akin Noel. Maganda ang laman ng iyong sulat. Una, wag mo akong tatawaging kuya. Tol o pare at pwede na sa akin. Di ko kailangan ng respeto. Pantay-pantay tayo pare.

Ganito na talaga ang buhay ngayon. Marami nang alternatibong paraan para makaraos sa kahirapan. Naging praktikal lang ang iyong kapitbahay. Alam niyang wala siyang tinapos kaya ang Call Center ang pinakamagandang trabaho sa walang tinapos. Mas gugustuhin mo bang mag-holdup ang iyong kapitbahay? o kaya sa Call Center?

Naiintindihan kita kung bakit ayaw mong mag-Call Center. Ayaw mo dahil may tinapos ka. Nung nagpipili ka pa ng korsong kukunin mo sa kolehiyo, pinagisipan mo ba to ng maigi? Tinanong mo ba sa sarili mo, "Marami kayang trabaho ang korsong ito?".

Kung mawawala ang mga Call Center sa Pilipinas, marami ang mawawalan ng trabaho. Malamang, baka isa na ang kapitbahay mo. Magiging masaya ba ang marami? O kaya ikalulungkot ng maraming pamilya na umaasa sa kanilang kapamilyang nagtratrabaho sa Call Center.

Noel, ipagpatuloy mo lang ang paghahanap ng trabaho. Magisip ka nang ibang paraan kung saan magagamit mo ang iyong korsong tinapos. Ang importante: Wag kang magiging kriminal. Kung wala ka na talagang mahanap ay baka maswertihan ka sa Call Center. Wag mo lang ubusin ang pera mo sa mga mahahaling kape.

Salamat Noel sa iyong liham.

"Marami ang trabaho
Kadalasan di napapansin
At kung minsan di nakikita
Kaya ayun, nawawala"

For Questions, Suggestions, Messages and Problems; all under the sun. Please e-mail me at akosibarttolina@yahoo.com

Don't hesitate. Wala kang babayaran

1.21.2009

Ang Makabagong Alipin


Barack Obama, 44th President of the United States of America. The first Afican-American to date.




Si Barack na nga ang Presidente ng US. Kung titingnan sa kalakihang pagtingin ay siya ang Presidente ng mundo. Walang duda, kasi ang US ang gitnang batayan ng mga nasyon, lalo na ang mga bansang mahihirap. Ang US pa ang kinikilalang "police" ng mundo.

Oo, si Obama ay itim. Hindi siya naging alipin. Noon yun. Ngayon: ang itim ay isang mabagsik na lahi. Halos lahat na ng categoriya ng buhay ay may bumubuslak sa kanila. Sa sports, musika, at ngayon: ang Presidente.

Tila nagbabago na ang mundo: mga bagong teknolohiya, mga bagong tradisyon at kultura sa buhay, ang magkaparehang kasarian ay pwedeng magpakasal at marami pang pagbabago.

Nakakasabay ba ang Pilipinas sa ikot ng mundo? Kung bakit naman tayo pa rin ay isang nasyong walang oportunidad.

Pinakikilala ko ang mga OFW: Ang mga Makabagong Alipin

Hindi sa hinuhusgaan ko sila. Sa kalungkutan, parang totoo. Halos lahat ng sulok ng mundo ay may OFW. Anong trabaho? Mga mababang trabaho sa lipunan. Hindi ba nakakabanas isipin na ang mga Pinoy ay utusutusan lang sa ibang bansa? Sa ibang salita ay: Alipin.

Tayo nga ang mga makabagong alipin. Hindi lang ang Pinas, kundi marami pang nasyon ngunit ang Pinas ang kilalang kilala sa mga trabahong pangkatulong at iba pang trabahong mababa.

Mapagkumbaba ang mga Pinoy. Oo, totoo nga. Mapagkumbaba dahil sa perang makukuha. Na sa bansang yun, ang kanilang sahod ay mababa lamang ngunit pagdating sa Pinas ay malaki na. Ngunit, sapat ba iyon?

Panu kaya kung ilang ikot pa nang mundo ay tayo naman ang nasa itaas? Na ang mga katulong natin ay mga Singaporean at mga Briton. Mga construction worker natin ay mga Arabo. Mahirip isipin, hindi ba?

Bakit si Obama? Naging imposible ba?

"Walang imposible sa may dulo.
Habang umiikot ang mundo"

1.20.2009

Saktong Laya Ba?

Malaya nga ba lahat ng tao? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng maging malaya?
Sa Pinas, lahat na ata pwedeng gawin. Left or Right, pwede. (Rock and Roll!) Pero sa ibang bansa, tulad ng US, di lahat pwedeng gawin. PERO: ang pagiging limitado ng bansang to ay isang dahilan kung bakit sila ganun katatag. Matatag sa paraang: systemado. Sa Pilipinas, oo nga malaya tayo. Pero, tama nga ba ang kalayaang ito? Malaya nga ba tayo sa lahat ng problema ng lipunan?

Kalayaang magnakaw ng pera ng bayan. Hindi naman sa ito ay malaya : mga kaban at politiko. Ito ay dahil sa masyadong malayang systema ng gobyerno. Lahat, pwedeng gawin ng isang pinuno. Malakas ika nga. Kahit kitang kita na, wala pa ring nangyayari.

Kung minsan naman kasi, kung hindi ikaw ang nasa posisyon. Iisipin mo nga, bulok ang mga politiko. Pano kung ilagay mo ang iyung sarili sa kanilang kinalalagyan. Kung saan malaya lahat ng dahas at pagnanakaw. Malinis ka pa ba? Ikaw na rin ba ay isa sa mga maduming politikong tinukoy mo nung una?Bakit nga ba? Sa napakalayang systema ng gobyerno.

"Ang sobrang kalayaan sa mundo ay pumipili;
Kaligayahan ng iba, ngunit hirap ng marami"

PAUNA

Oras oras marami ang sumusulat
Marami ang nagiisip kung ano ang ilalagay
Pagsasalita gamit ang isip at kamay
Para ang tao ay maimulat
Ako yata ay isa dun
Nakakaenganyo ilabas ang nararamdaman
At lalo na, ang nalalaman
Ang Pagsusulat ay pagkwekwento
May paksa, May lagda
May aral
-Bart Tolina