2.10.2011

Kaibigan

Ang kaibigan parang ID mo sa mga pinasukan mong school, yung iba nawawala pag may baha, yung iba nasisira at yung iba nama'y nakatago na sa mahiwagang kahon mo
- Bart Tolina

12.15.2010

Ang Tunay na Diskriminasyon


Ang Diskriminasyon ay ang paghusga sa kapwa.

Ang kadalasang diskriminasyon sa Pilipino ay madalas daw nangyayari sa ibang bansa. Ang di natin alam, ang tunay na diskrimasyon ay tayo. Di to napapansin at naitatala pagka't ayaw nating aminin na tayo rin ang humuhusga sa kapwa Pilipino.

Umuwi si Jack sa Pinas para ayusin ang kanyang bahay sa Pasay. Si Jack mismo rin ang nagayos ng kanyang tahanan.

Habang nagaayos ng kanyang bahay si Jack, siya'y biglang nagutom. "Pare, kain muna tayo", sabi nya sa isang kumpare na tumutulong magayos ng bahay. Ang suot lamang ay sando at butas-butas na short, si Jack at ang kanyang mga kasama'y lumuwas gamit ang isang tricycle. Sa karinderia sana sila kakain pero mas trip ni Jack sa isang sikat na resto na manok ang special.

Pagdating ng resto, pinark nila ang tricycle. Nakita sila ng security guard. "Hoy ano yan, itabi nyo yan", sabi ng Sikyu sa Jack.

"Customer po kami", sabi ni Jack sa sikyu na mukhang nabigla. Hindi pinansin ni Jack ang pagbati ng sikyu sa kanila. Pumasok sila sa resto. Pagkapasok sa resto na yun, nandun ang hostess sa front desk, na ang tanging trabaho ay batiin at pagserbehan ang mga bagong dating na customer.

Mukhang nandidiri ang hostess sa mga suot at dating nila Jack. Tiningnan lang nya sila. At maya-maya'y tinanong sila Jack.

"Ano po kailangan nyo?"

"Ano pa ba? Eh di kakain po, miss." Halatang nababadtrip na si Jack sa pinapakitang "diskrimasyon" ng mga empleyado ng resto na yun.

Mukhang napahiya ang hostess at itinuro sa kanila ang table at bingay ang menu. Nagorder ng masasarap na pagkain at ang manok na special ng resto. Dumating ang pagkain, at kumain sila Jack at mga kaibigan.

Pagbabayad. Hindi nakadala ng cash si Jack kaya kailangan nyang gamitin ang kanyang Credit card.

"P 1,520 po". sabi ng waitress. Iniabot ni Jack ang credit card sa waitress. Mukhang nagdududa ang waitress. Umalis. Maya-maya'y may isang kasamang tao, ang Manager.

"Taga saan po kayo? May ID po ba kayo?"

"Bakit ganito dito?! eto!", galit na galit na inabot ang California ID ni Jack.

Maitim ka man o maputi, maganda o panget, sikat o hindi, mayaman o mahirap, foreigner o tambay, mataba o sexy, doctor o conduktor, lawyer o barker o kahit sino man sa atin. Sana ay ang tuwid na linya ay masunod nang tama. Ang pantay na lipunan ay di nalalayo sa isang matagumapay at masaganang bayan. Pigilan ang matagal nang sakit ng ating lipunan.

Ngayon, siguro'y iniisip nyong napaka-kapal ng mukha ko at nagmamalinis ako. Di po ako nagmamalinis, ako rin nama'y di perpekto at inaamin ko na isa rin ako.

Sana ang mensaheng to'y umabot sa bawat Pilipino. Di man natin mapigilan ang diskriminasyon, pero maraming paraang mabawasan ito.

-Bart Tolina

5.09.2010

Ano ang meron sa Quiapo at Recto?


Ito ang araw ng pagpapalit ng mga snatcher at holduper sa may Quiapo at Recto sa pagka't tapos na ang oras nila. Yung iba nama'y di pa rin nakuntento at gusto pa ring manatili sa Recto at Quiapo.

Ano ba ang meron sa lugar na yun? Ang simbahan? Mga sinehan? Mga bentahan ng pirata? Mga sasakyan? Mga jeepney? Mga tren? Bentahan ng bolitas? O mga taong pwede nilang lokohin at dugasan?


1.31.2010

Tug-of-War

(Matagal ko nang planong magsulat tungkol dito, ngayon lang naglakas-loob, este nasipagan)

Nung mayor pa ng Maynila itong si Beach Lover, dinevelop nya ang Baywalk sa may Roxas Blvd. Nilagyan nya ng ilaw at nagkaroon ng mga resto at bar. Masaya at maingay. Pero at least, may iba pang pangtatambayan ng mga tao, hindi lang sa timog, eastwood o starbucks.

Pero, nung bumalik sa pagka-alkade tong si Mukhang Tulog, pinatanggal nya to. Naglaho ang kasiyahan at naging madilim ang paligid ng Baywalk. Inibaya nya ang so-called," paradise ng mga taong-grasa" dahil marami daw nag-cocomplain na maingay at marami daw krimen na nangyayari dito. At isa pa, di daw nagbabayad ng buwis ang mga establisyimento sa Baywalk. May point siya.

PERO:(Sa tingin ko)

Maingay at Magulo:
Kung maingay at magulo ang Baywalk, eh dapat pinasara na rin sana ang Timog, E. Rod, Malate, at ibang hot spot ng mga bar at happenings.

Buwis:
Kung di nagbabayad ng buwis ang mga resto at bar dun, pwede namang singilin sila o kaya bigyan sila ng order na kung di sila magbabayad eh banned sila. Imposible namang LAHAT ng mga establishimento dun eh hindi nagbabayad. Kayang kayang naman ata ni Manny Pacquiao magbayad ng tax (Knock out resto/bar)

Ewan ko lang ah. Pero parang may butas.

Mall of Asia. Yung likod nun, parang Baywalk.
Nung nawala ang ilaw ng Baywalk, bigla ba namang lumitaw tong sa likod ng Mall of Asia.
Parang may mali.
Kaya ang mga tao sa likod na lang ng MOA sila pupunta. Which means, Kung pupunta sila dun, eh mamasyal na rin sila sa MOA.

Hindi ako nagprepresume mga kapwa pilipino. Pero bakit. Ganito na lang lagi. Ang kasalukuyang naka-upo, may proyekto. Pero nang mapalitan siya, etong papalit naman, di nya itutuloy ang nasabing proyekto, gigibain at mawawalay. Sayang ang pera! Kung saan mabibili na natin ng maraming libro ang mga magaaral o kaya idagdag sa sweldo ng mga ulirang manggagawa.

Hindi ko pinapanigan si Beach Lover kasi ayaw ko rin siya. Kasi lagi ko na lang nakikita sa mga laban ni Pacquiao. Inuuna pa ang laban kaysa sa bayan.

Si Mukhang Tulog naman, hindi sa masama ang tingin ko sayo. Ngunit pag titingin ako sa may-ari ng MOA eh, parehas sila ng mata.

Ang di-maalintanang kapangyarihan ang humihila sa Pilipinas. Madali tayong iwala ng kapangyarihang ito. Dapat, tayo rin ang mag-gago sa kanila. Para sa huli eh, sila ang talo sa tug-of-war.
Bart Tolina

1.24.2010

Online

Makita ko lang na
"____ is typing..."
sa YM.

Masaya na ako

dahil sa mga salitang to nakikita na di mo ako binabalewa
Kahit na sobrang kulit ko na

-Bart Tolina

1.20.2010

Ang Banal na Pandesal


Kanina, pumunta ako sa Jollibee. Bumili ng 2-piece chickenjoy at extra rice.

Dumeretsyo ako sa upuan. Ise-serve na lang daw.

Nung binigay ang pagkain. may mga coupon akong natanggap. Inisa-isa ko ang mga ito.

Nakita ko: "FREE LITTLE BIG BITES"

Naku, tamang tama.

Mabilis kong inubos ang 2 piece chickenjoy at extra rice.

Pumunta sa counter.

Sabi ko sa babaeng nasa counter: Miss! (sabay pakita ng slip with matching smile at kindat)

Sabi nya: Ay. Sir sa next visit nyo ho pwedeng i-claim to.

ABY! (Ano Ba Yan!) Wala namang nakalagay na "On Your Next Visit" eh. TBT naman oh (Tanginang Buhay To)

Biglang napaisip ako.

Nagulat si babaeng nasa counter.
Dahil

Bigla akong lumabas at agad-agad pumasok.

Bigla kong binati nang nakangiti (at siyang nakanganga): Hi Miss! Anu na Balita? Tapos pakita ng slip with matching smile and kindat

Babaeng nasa counter: (Medyo natatawa na di alam ang gagawin) Ahhhhh (Sa isip nya siguro eh :"Hindot naman tong si Sir! Disperado sa lintik na pandesal hmmp)

"Ahh.. Sir.. Bukas ho. Pwedeng nyong i-claim"

Sabi ko kanya: "Panu kung ngayo'y ibigay ko ang slip na to sa pulubing nasa labas. Ano ang pinagkaiba?" At pagkatapos, takbo sa kotsye ng barkada ko. HAR (Hit and Run)

Hindi naman sa nabadtrip ako. Pero sa totoo nabadtrip ako. Lintik na pandesal. Bili na nga lang ako sa Vallejo Bakery.

"Sa Pagbebenta. Ang batayan ay hindi sa presyo. Ito ay alphabetical"

-Bart Tolina

12.05.2009

Si SB

(Post ko dati to sa multiply site: VANILLA TIMES last 2007)

Si SB, yan ang pangalan ng aking muntihing aso, noon.
Nanay ko ang nagbigay ng pangalan niya. SB (in short: Sangguniang Bayan) pati aso ko nadamay sa mundo ng pulitika.
Ayun, sa una ay mahirap tawagin ang aso ko. Mahirap sabihing:
"Sangguniang Bayan! Sangguniang Bayan! kain na!"

Kaya SB na lang. Nagagalit kasi siya pag BS ang tawag ko sanya.

Sa mga unang araw, si SB ay ang aking tagagising. Ginigising ako ng nanay ko ng maaga dahil sa mga lintik na tae ni SB.
Maraming uri ang tae ni SB.
1) taeng bruce lee (buros) 2) taeng vegetarian (taeng may damo) 3) taeng karaniwan


Marami rin akong mga sakripisyo na ginawa para kay SB. Nagtitimpla ako ng gatas para sa kanya (nido un). Ginawahan ko ng bahay na gawa sa karton ng washing machine. Sa kasamaang palad, pang one-night-stand lang pala ung bahay nya, nasira kasi sa lintik na tae at ihi ni SB.
Pagkatapos, natupad ang pangrap ni SB, nagkaroon siya ng bahay na gawa sa bakal. Hindi ko nga alam kung ano pumasok sa utak ng tatay ko kung bakit nya ginawa yun. Siguro nanalo siya sa jueteng o tong-its.

Marami akong mga sandaling di malilimutan kay SB.
Isang araw, may natuklasan akong kakaibang skill ni SB. Meron akong bola, tinapon ko, ayun, kinuha nya, kinagat. Lintik, di binalik.

Isang araw, bumaha sa amin, sa likod ng bahay namin. Ayun, sinundan ba naman ako. Tapos, tumae yung gago.

After one year

Si SB ay na massacre

Ginawang pulutan

Masakit mang tanggapin, pero kailangan. Para makamove-on ako, Nakikain na rin ako.


(Sa Google ko lang kinuha itong picture na to. Pero hawig nya si SB at ang kanyang paboritong past-time)

5.14.2009

Inuman Legend: The Happy Horse

"Witness the greatest cover-up in Drinking History"
-Baron Geisler

Ang sinusulat ko ngayon ay tungkol sa: Inuman Legend: The Happy Horse.
Nung Beginner Tomador pa ako noon, lagi kong naririnig ang Happy Horse na yan. Madalas kong itanong sa barkada ko, "Ano ba yon tol?".
Ang sabi naman ng aking barkada: "To drink is to believe"
Langhiya may pa-quotequote pa siya. Pero tama nga naman siya. Para maniwala ka sa legend na yun, dapat mo itong daanan. Para makapaglevel-up ka sa pagiging tomador, kailangan mo itong maranasan.

Siguguro naguguluhan kayo kung ano yang Happy Horse na yan. Eto na, ang Happy Horse ay isang Red Horse. Isa itong sikreto na dapat malaman ng lahat ng tomador. Sabi nila, Ang Happy Horse ay mas malakas sa isang ordinaryong Red Horse. Ika nga nila, "para kang binetsyin".

Para maniwala kayo, ito ang sample ng Isang Happy Horse:


Ang may X na bote ay ang Happpy Horse. Pansin nyo ba ang pagkakaiba:
1. May ikalawang bilog sa kabayo habang yung normal na Red Horse ay wala.
2. Pansin nyo ba ang mukha ng kabayo sa Happy Horse? Iba di ba? At ang likod:


Sa likod naman, ang Happy Horse ay may pulang lettering habang ang normal na Red Horse ay puti.

Ngayon alam mo na ang Inuman Legend na ito, di ka na magiging inosente pagdating sa topic na ito. Sa bawat beer na ibibigay sayo ng barkada mo lagi mong tingnan kung Happy Horse ito o normal na Red Horse lamang. Kung gusto mong malasing na makakalimutan mo ang pangalan mo, uminum ka ng Happy Horse.

Tatanungin ka, "Bakit? Alam mo ba yung Happy Horse?".
Sasabihin mo, "Syempre, nabasa ko na ata yun sa barttolina.blogspot.com".
(Lasing ka na nga, napromote mo pa ang site ko hehehe :D)

5.13.2009

Ang Mahangin ng Sta. Ana


Anu yan? Suka di ba? Kwekwentuhan ko kayo ng isang kwento.

Kagabi, Nagiinuman kami. Ang sarap uminom lalo na kung libre (Di ko na inambag bente ko, naaawa kasi ako sa kanya). Kaya ayun inom, bitin, bili, inom, bitin, bili, inom. Ang dami na naming nainom. Biglang, dumating si Roger, Ang mahangin ng Sta. Ana.

Roger: (lasheng na rin) Mahina kayo dito! Dun sa amin Crispy Pata ang pulutan!
Kami: ahh.... (habang tinitingnan ang aming pulutan, LALA)

Totoo nga ang balita: Malakas talaga ang Mahangin ng Sta. Ana.

Pero teka.. opps. opps....

Parang susuka si Roger!

at... at... at... at...

Sumuka na nga si Roger!

at ang sinuka ay... ay..

CHIKITO!

Oo. Lahat kami ay Natuwa. Pagkatapos nun, Umuwi na si Roger, Ang Mahangin ng Sta. Ana

Ika nga ng isang Reporter ng TV Patrol:

"Ang Helmet ay para sa ulo, at hindi para sa siko"
-Bart Tolina