1.28.2009

Liham

Dear kuya Bart,
Meron akong problema. Hindi naman ito sa kalakihan pero nais ko lang ilabas.

Taga QC ako. Ako'y 24 years old na ngayon. Simple lang buhay ko. At Nakatapos ako ng kolehiyo. Mayroon akong kapitbahay. May natapos ako, habang siya ay wala. May trabaho siya at ako nama'y wala. Nakabili na siya ng kotsye habang ako'y commute lang. Alam mo ba kung saan siya nagtratrabaho? sa Call Center. Ako? Nagaral ako ng 4 na taon sa kolehiyo, at ngayon, walang trabaho at walang asenso. Ayoko namang pasukin ang Call Center dahil nakakahiya iyon sa aking korsong napili at lalo na sa aking mga magulang na naghirap para makatapos lang ako.

Ito ba ay nakakatulong sa ating bansa. Kung saan kahit wala kang tinapos ay aasenso ka sa pagiging Call Center agent. Panu na ang mga kabataang sumusunod sa akin? Mag-pupursigi pa ba silang magtapos ng kolehiyo lalo't alam na nila na ang tungkol sa Call Center?

Ano ang masasabi mo kuya Bart Tolina.

Isang kapitbahay,
Noel


Buti at nagsulat ka sa akin Noel. Maganda ang laman ng iyong sulat. Una, wag mo akong tatawaging kuya. Tol o pare at pwede na sa akin. Di ko kailangan ng respeto. Pantay-pantay tayo pare.

Ganito na talaga ang buhay ngayon. Marami nang alternatibong paraan para makaraos sa kahirapan. Naging praktikal lang ang iyong kapitbahay. Alam niyang wala siyang tinapos kaya ang Call Center ang pinakamagandang trabaho sa walang tinapos. Mas gugustuhin mo bang mag-holdup ang iyong kapitbahay? o kaya sa Call Center?

Naiintindihan kita kung bakit ayaw mong mag-Call Center. Ayaw mo dahil may tinapos ka. Nung nagpipili ka pa ng korsong kukunin mo sa kolehiyo, pinagisipan mo ba to ng maigi? Tinanong mo ba sa sarili mo, "Marami kayang trabaho ang korsong ito?".

Kung mawawala ang mga Call Center sa Pilipinas, marami ang mawawalan ng trabaho. Malamang, baka isa na ang kapitbahay mo. Magiging masaya ba ang marami? O kaya ikalulungkot ng maraming pamilya na umaasa sa kanilang kapamilyang nagtratrabaho sa Call Center.

Noel, ipagpatuloy mo lang ang paghahanap ng trabaho. Magisip ka nang ibang paraan kung saan magagamit mo ang iyong korsong tinapos. Ang importante: Wag kang magiging kriminal. Kung wala ka na talagang mahanap ay baka maswertihan ka sa Call Center. Wag mo lang ubusin ang pera mo sa mga mahahaling kape.

Salamat Noel sa iyong liham.

"Marami ang trabaho
Kadalasan di napapansin
At kung minsan di nakikita
Kaya ayun, nawawala"

For Questions, Suggestions, Messages and Problems; all under the sun. Please e-mail me at akosibarttolina@yahoo.com

Don't hesitate. Wala kang babayaran

1.21.2009

Ang Makabagong Alipin


Barack Obama, 44th President of the United States of America. The first Afican-American to date.




Si Barack na nga ang Presidente ng US. Kung titingnan sa kalakihang pagtingin ay siya ang Presidente ng mundo. Walang duda, kasi ang US ang gitnang batayan ng mga nasyon, lalo na ang mga bansang mahihirap. Ang US pa ang kinikilalang "police" ng mundo.

Oo, si Obama ay itim. Hindi siya naging alipin. Noon yun. Ngayon: ang itim ay isang mabagsik na lahi. Halos lahat na ng categoriya ng buhay ay may bumubuslak sa kanila. Sa sports, musika, at ngayon: ang Presidente.

Tila nagbabago na ang mundo: mga bagong teknolohiya, mga bagong tradisyon at kultura sa buhay, ang magkaparehang kasarian ay pwedeng magpakasal at marami pang pagbabago.

Nakakasabay ba ang Pilipinas sa ikot ng mundo? Kung bakit naman tayo pa rin ay isang nasyong walang oportunidad.

Pinakikilala ko ang mga OFW: Ang mga Makabagong Alipin

Hindi sa hinuhusgaan ko sila. Sa kalungkutan, parang totoo. Halos lahat ng sulok ng mundo ay may OFW. Anong trabaho? Mga mababang trabaho sa lipunan. Hindi ba nakakabanas isipin na ang mga Pinoy ay utusutusan lang sa ibang bansa? Sa ibang salita ay: Alipin.

Tayo nga ang mga makabagong alipin. Hindi lang ang Pinas, kundi marami pang nasyon ngunit ang Pinas ang kilalang kilala sa mga trabahong pangkatulong at iba pang trabahong mababa.

Mapagkumbaba ang mga Pinoy. Oo, totoo nga. Mapagkumbaba dahil sa perang makukuha. Na sa bansang yun, ang kanilang sahod ay mababa lamang ngunit pagdating sa Pinas ay malaki na. Ngunit, sapat ba iyon?

Panu kaya kung ilang ikot pa nang mundo ay tayo naman ang nasa itaas? Na ang mga katulong natin ay mga Singaporean at mga Briton. Mga construction worker natin ay mga Arabo. Mahirip isipin, hindi ba?

Bakit si Obama? Naging imposible ba?

"Walang imposible sa may dulo.
Habang umiikot ang mundo"

1.20.2009

Saktong Laya Ba?

Malaya nga ba lahat ng tao? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng maging malaya?
Sa Pinas, lahat na ata pwedeng gawin. Left or Right, pwede. (Rock and Roll!) Pero sa ibang bansa, tulad ng US, di lahat pwedeng gawin. PERO: ang pagiging limitado ng bansang to ay isang dahilan kung bakit sila ganun katatag. Matatag sa paraang: systemado. Sa Pilipinas, oo nga malaya tayo. Pero, tama nga ba ang kalayaang ito? Malaya nga ba tayo sa lahat ng problema ng lipunan?

Kalayaang magnakaw ng pera ng bayan. Hindi naman sa ito ay malaya : mga kaban at politiko. Ito ay dahil sa masyadong malayang systema ng gobyerno. Lahat, pwedeng gawin ng isang pinuno. Malakas ika nga. Kahit kitang kita na, wala pa ring nangyayari.

Kung minsan naman kasi, kung hindi ikaw ang nasa posisyon. Iisipin mo nga, bulok ang mga politiko. Pano kung ilagay mo ang iyung sarili sa kanilang kinalalagyan. Kung saan malaya lahat ng dahas at pagnanakaw. Malinis ka pa ba? Ikaw na rin ba ay isa sa mga maduming politikong tinukoy mo nung una?Bakit nga ba? Sa napakalayang systema ng gobyerno.

"Ang sobrang kalayaan sa mundo ay pumipili;
Kaligayahan ng iba, ngunit hirap ng marami"

PAUNA

Oras oras marami ang sumusulat
Marami ang nagiisip kung ano ang ilalagay
Pagsasalita gamit ang isip at kamay
Para ang tao ay maimulat
Ako yata ay isa dun
Nakakaenganyo ilabas ang nararamdaman
At lalo na, ang nalalaman
Ang Pagsusulat ay pagkwekwento
May paksa, May lagda
May aral
-Bart Tolina