5.14.2009

Inuman Legend: The Happy Horse

"Witness the greatest cover-up in Drinking History"
-Baron Geisler

Ang sinusulat ko ngayon ay tungkol sa: Inuman Legend: The Happy Horse.
Nung Beginner Tomador pa ako noon, lagi kong naririnig ang Happy Horse na yan. Madalas kong itanong sa barkada ko, "Ano ba yon tol?".
Ang sabi naman ng aking barkada: "To drink is to believe"
Langhiya may pa-quotequote pa siya. Pero tama nga naman siya. Para maniwala ka sa legend na yun, dapat mo itong daanan. Para makapaglevel-up ka sa pagiging tomador, kailangan mo itong maranasan.

Siguguro naguguluhan kayo kung ano yang Happy Horse na yan. Eto na, ang Happy Horse ay isang Red Horse. Isa itong sikreto na dapat malaman ng lahat ng tomador. Sabi nila, Ang Happy Horse ay mas malakas sa isang ordinaryong Red Horse. Ika nga nila, "para kang binetsyin".

Para maniwala kayo, ito ang sample ng Isang Happy Horse:


Ang may X na bote ay ang Happpy Horse. Pansin nyo ba ang pagkakaiba:
1. May ikalawang bilog sa kabayo habang yung normal na Red Horse ay wala.
2. Pansin nyo ba ang mukha ng kabayo sa Happy Horse? Iba di ba? At ang likod:


Sa likod naman, ang Happy Horse ay may pulang lettering habang ang normal na Red Horse ay puti.

Ngayon alam mo na ang Inuman Legend na ito, di ka na magiging inosente pagdating sa topic na ito. Sa bawat beer na ibibigay sayo ng barkada mo lagi mong tingnan kung Happy Horse ito o normal na Red Horse lamang. Kung gusto mong malasing na makakalimutan mo ang pangalan mo, uminum ka ng Happy Horse.

Tatanungin ka, "Bakit? Alam mo ba yung Happy Horse?".
Sasabihin mo, "Syempre, nabasa ko na ata yun sa barttolina.blogspot.com".
(Lasing ka na nga, napromote mo pa ang site ko hehehe :D)

5.13.2009

Ang Mahangin ng Sta. Ana


Anu yan? Suka di ba? Kwekwentuhan ko kayo ng isang kwento.

Kagabi, Nagiinuman kami. Ang sarap uminom lalo na kung libre (Di ko na inambag bente ko, naaawa kasi ako sa kanya). Kaya ayun inom, bitin, bili, inom, bitin, bili, inom. Ang dami na naming nainom. Biglang, dumating si Roger, Ang mahangin ng Sta. Ana.

Roger: (lasheng na rin) Mahina kayo dito! Dun sa amin Crispy Pata ang pulutan!
Kami: ahh.... (habang tinitingnan ang aming pulutan, LALA)

Totoo nga ang balita: Malakas talaga ang Mahangin ng Sta. Ana.

Pero teka.. opps. opps....

Parang susuka si Roger!

at... at... at... at...

Sumuka na nga si Roger!

at ang sinuka ay... ay..

CHIKITO!

Oo. Lahat kami ay Natuwa. Pagkatapos nun, Umuwi na si Roger, Ang Mahangin ng Sta. Ana

Ika nga ng isang Reporter ng TV Patrol:

"Ang Helmet ay para sa ulo, at hindi para sa siko"
-Bart Tolina

5.07.2009

C.R. ng MAYAMAN

WARNING: SA MGA MAYAMAN, WAG NYONG BABASAHIN

Sa Pilipinas, normal na ang mga CR na may bayad. May P2 at may P5. Kadalasan di ito malinis kahit na may bayad. Kahapon, nagpunta kami ng mga barkada ko sa isang mall na katabi ng Araneta Coliseum (Siguro alam nyo na yun). Nalibot na ata namin ang buong mall sa kahahanap ng C.R.. Sa wakas at nahanap na rin namin.
Nang Papasok na kami, tinanong ko sa kasama ko

Ako: May bayad ata to eh
Kasama ko: Wala yan, Mall to, di to Bus Stop

Pagkapsok namin sa C.R. :

Janitor: Sir TICKET nyo?

*$!#@$$ ! Ano to sinehan?!
Lahat kami ay Biglang bigla. Lahat na ata ng mura nasabi namin

Kaya ayun, pumunta kami sa TICKET BOOTH (parang sinehan talaga amp)

Ako: Pare la ako barya kaw na lang magbayad
Kasama ko1: ako rin tsong
Kasamo ko2: Sige (sabay kuha ng P6 sa bulsa)

Nung binibigay nya na ang P6

Magtiticket: Sir kulang to. P10 isa

wtf?! ihi for P10 ?! For P10?! whoa.
P30- isang kaha ng Mars (Marlboro) na yan ah

Nagisip pa kami. Inisip na namin na sa Jollibee na lang kami umihi.
Pero, nandun na kami eh. Ang dami pa namang nakatingin sa amin. Baka isipin nilang pumunta kami ng mall na walang pera, kaya ayun, nag-CR kami sa CR ng MAYAMAN

Nandun na kami sa CR. Nung umiihi ako. Meron akong napansin:
Sa lahat ng pumapasok sa CR na yun, lahat silay binibigla ng Janitor

Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?Sir TICKET nyo?

Lahat sila napapamura. Lahat sila napapa "HA?". Lahat sila naBWIBWISET.

Nung patapos na kami

Kasamo ko1: Tutal mahal ang bayad, Ipabahay na natin to, Tetetats na lang ako! (Magbabawas daw)

Ang Masasabi ko:

Napakahirap na ang buhay sa Pilipinas. Bakit ba pati C.R. eh ang lakas nyong manubo? Ok lang naman kong P2, at medyo ok rin kung P5. Pero pag P10 na eh, below the pocket-line na yun. Dapat ko pa ba tong iharap sa Imbestigador o sa XXX para mahinto ang napakawalanghiyang operasyon na to. Hold-up yun eh. Hold-up mga pare. Kailangan maireport to sa BIR.

P.S. : Sa mall na yun, wala na akong masasabi

5.06.2009

Ang Pinakamapormang PAGBEBENTA sa MUNDO

Kanina lang. Nakasakay ako sa bus. May sumakay na magsosorbete. Nagbigay siya ng mga free taste (di ako kumuha, malay mo, di pala libre). Binebentahan nya ngayon itong katabi ko. Dun ko narinig ang PINAKAMPORMANG PAGBEBENTA sa MUNDO. Sa mundo yan ah!

eto na:
"Wag kayong MAHIYANG bumili, May BAYAD naman yan eh"

ang porma di ba?!
Ang masasabi ko lang sayo Mang-Magsosorbete: Wow, ang porma mo, tunay!


Sa huli: di bumili ang katabi ko