skip to main |
skip to sidebar
Ang lalake ay isang pantalon, kahit hindi labhan, hindi mangangamoy. Pag madumihan, hindi halatado.Ang babae ay isang panyo. Kung di labhan, ay mangangamoy. Pag madumihan, halatado.Kaya ang panyo ay nilalagay sa bulsa ng pantalon para pagtakpan ang panyo.Ganun kamahal ng lalake ang babae. Kahit putikan ay ibubulsa pa rin nito.Pero: Kung minsan, ang pagibig na iyon ay hindi sapat. Dahil minsan, nabubutas rin ang bulsa.-Bart Tolina
" Ang opportunidad sa buhay ay parang saging. Habang tumatagal dumidilaw. Dahil sa gusto mo itong maging perfektong dilaw, pinapalipas mo ang mahabang panahon. Hindi mo namalayan, itim na pala.."
- The Culprit- Hindi namamasa. Parang siya ang bumili ng bola.
- The Actor- Magaling kumuha ng foul dahil nga, magaling magacting. Ang paborito niyang linya ay, "wala, foul is foul!".
- The Banker- Madalas umupo sa tabi at siya ang kadalasang pinagkakatiwalaan ng mga cellphone at pitaka ng mga naglalaro.
- The Big Shit- Malaking tae sa tagalog. Panakot sa kalaban dahil malaki. Unang tira pa lang, shock na ang mga kalaban.
- The Model- Masyadong mapormang maglaro dahil sa dami ng accesories na nakasuot. Pero pagdating sa laro ay parang asin na maga.
- The Extra- para makumpleto ang 5-on-5 o 3-on-3, niyaya siya dahil kulang. Madalas di pinapasaan. Pero sa isang point, sasabihin ng isang player sa isa, "uy, pasahan nyo naman siya oh". ngek, thoughful.
- The Cashier- walang duda, siya ang pinakaimportanteng tao sa court. Siya ang humahawak sa pusta.
- The Tax Evader- Madalas hindi magbayad ng pusta dahil wala naman palang pera.
- The Butt-Man- Laging ginagamit ang pwet. Lalo na pagmagsho-shoot, ang pwet ay pababa na paturo. Malakas ring mag-boxout.
- The Boy Abunda- Pasimpleng humahawak ng pwet.
Ito ang mga iba't ibang klase ng Basketbolista sa Pinas.- The Boy-Radiator: Masipag tumakbo from end-to-end: Kahit hindi napapasaan, takbo pa rin ng takbo.
- The Boy-naTrapik: Masipag din tumakbo papunta sa ring nila. Pero papunta sa ring ng kalaban ay stop-over muna.
- The Yosi-man: Hindi makatakbo kaya ang sinasabi palagi sa mga kasama ay, " Epekto ng yosi to. phew!".
- The Anak-Alak: Hindi rin makatakbo dahil sa mabigat na tiyan dulot ng paginum.
- Anak-Pawis: Sobra kung pumawis kaya pag ikaw babantay sa kanya ay mababasa ka.
- The Parent: Mahirap kalaro dahil player na nga refiree pa. Magulang sa Tagalog.
- The Giver: Pag nagkakairian at nagkakalitohan sa tawag: Ang sasabihin niya ay, "Sige, sige.. bigay na"
- The Misser: Pagmay miss, siya palagi ang nagmimiss. (Sa mga di nakakaalam ng "miss", pwes hindi ka pinoy bolista.peace)
- The Jinx: Pinipilit ang pagiging magaling. Pag di nakaka-shoot ay ang sinasabi ay, "Malas ko ngayong araw na to!"
- The Pretty Boy: Pa-cute maglaro. Panay ang ayos sa buhok at lalong gumagaling pag may mga chiks.
- The Smelly Boy: Mahirap kalaro. May advantage sa kalaban.
- The Automatic: Hindi na nagdadalawang isip, pagkapasa sa kanya ay shoot agad.
- The Grand Canyon: Madalas malibag. Pag itinaas ang kili-kili ay kita ang 4 lines. At kung minsan sa neck.
- The Runner: Madilis timakbo pag nakashoot.
- The Borrower: Madalas masira ang tsinelas kaya madalas humiram sa mga nanonood o kaya sa kanyang batang kapatid.
- The Call-boy: Kadalasan habang mainit ang laro ay biglang tatawagin ng nanay o kapatid kaya nabibitin ang laro.
- The Prodigal Son: Ayun, bumalik si "The Call-boy" dahil tapos nang nagsaing.
- The Likas Papaya Boy: Ayaw magparaw habang naglalaro.
- Batang Kris Aquino: Madaldal kaya madalas magsisi ng kasama.
- The Piso boy: Natapalan ng kalaban kaya ang nasa isip lang ay ang bumawi sa tumapal.
- The Low-Bat: Unang shoot ay kapos kaya ang sinasabi ng mga kasama ay, "ah nag ****** to!". Sabay sagot ni Low-Bat, " hehehehe".
- The MVP: Kahit ibwaya nya ang bola ay wala pa rin complain galing sa mga kasama. Kahit magmintis sya, ok lang: Dahil siya lang naman ang umii-score.
May Part 2 pa 'to.