- The Boy-Radiator: Masipag tumakbo from end-to-end: Kahit hindi napapasaan, takbo pa rin ng takbo.
- The Boy-naTrapik: Masipag din tumakbo papunta sa ring nila. Pero papunta sa ring ng kalaban ay stop-over muna.
- The Yosi-man: Hindi makatakbo kaya ang sinasabi palagi sa mga kasama ay, " Epekto ng yosi to. phew!".
- The Anak-Alak: Hindi rin makatakbo dahil sa mabigat na tiyan dulot ng paginum.
- Anak-Pawis: Sobra kung pumawis kaya pag ikaw babantay sa kanya ay mababasa ka.
- The Parent: Mahirap kalaro dahil player na nga refiree pa. Magulang sa Tagalog.
- The Giver: Pag nagkakairian at nagkakalitohan sa tawag: Ang sasabihin niya ay, "Sige, sige.. bigay na"
- The Misser: Pagmay miss, siya palagi ang nagmimiss. (Sa mga di nakakaalam ng "miss", pwes hindi ka pinoy bolista.peace)
- The Jinx: Pinipilit ang pagiging magaling. Pag di nakaka-shoot ay ang sinasabi ay, "Malas ko ngayong araw na to!"
- The Pretty Boy: Pa-cute maglaro. Panay ang ayos sa buhok at lalong gumagaling pag may mga chiks.
- The Smelly Boy: Mahirap kalaro. May advantage sa kalaban.
- The Automatic: Hindi na nagdadalawang isip, pagkapasa sa kanya ay shoot agad.
- The Grand Canyon: Madalas malibag. Pag itinaas ang kili-kili ay kita ang 4 lines. At kung minsan sa neck.
- The Runner: Madilis timakbo pag nakashoot.
- The Borrower: Madalas masira ang tsinelas kaya madalas humiram sa mga nanonood o kaya sa kanyang batang kapatid.
- The Call-boy: Kadalasan habang mainit ang laro ay biglang tatawagin ng nanay o kapatid kaya nabibitin ang laro.
- The Prodigal Son: Ayun, bumalik si "The Call-boy" dahil tapos nang nagsaing.
- The Likas Papaya Boy: Ayaw magparaw habang naglalaro.
- Batang Kris Aquino: Madaldal kaya madalas magsisi ng kasama.
- The Piso boy: Natapalan ng kalaban kaya ang nasa isip lang ay ang bumawi sa tumapal.
- The Low-Bat: Unang shoot ay kapos kaya ang sinasabi ng mga kasama ay, "ah nag ****** to!". Sabay sagot ni Low-Bat, " hehehehe".
- The MVP: Kahit ibwaya nya ang bola ay wala pa rin complain galing sa mga kasama. Kahit magmintis sya, ok lang: Dahil siya lang naman ang umii-score.
May Part 2 pa 'to.
No comments:
Post a Comment