4.28.2009

Balut Shake


"The Balut Shake"

Recipe:

3 hot baluts
4 sili labuyo
salt
sugar
vinegar

Procedure:

  1. Tumawag ng mambabalut
  2. Bumili ng tatlong mainit na balot na nakabalot sa plastik dahil mainit
  3. Pumunta sa kusina
  4. I-ready ang bowl at kutsara
  5. I-crack ang mga Balut
  6. I-stir mo
  7. Lagyan mo ng asin at suka
  8. Ilagay ang mga sili
  9. Lasahan mo
  10. Pag-maasim maxado, lagyan ng asukal
  11. I-stir mo ulit
  12. Tikman mo muna bago ipakita sa mga barkada para hindi maluge
  13. Tapos, instant "Balut Shake"
Ang Balut ay di madalas ipulutan. Dahil nga, paisa-isa ito. Masisikmura mo bang kainin ang balot na kinakain ng katabi mo? Hindi, di ba? Kaya ang mainam na gawin pag may balot ay ang "Balut Shake". Affordable na nga, Saktong lasa pa.

47 comments:

  1. asteeg! ipapakita ko to sa kapatid ko. addict kasi sa balot.

    ReplyDelete
  2. tnx for the blog visit. ayan, i visited you na. :)

    sorry, i don't like balut. :) tapos shake pa.

    ReplyDelete
  3. dong- sana magustuhan ng kapatid mo. hehe

    Reena- tnx sa visit. try some of this. and you'll know. hehehe

    ReplyDelete
  4. i think i'll pass on this parekoy. yoko din ng balut eh.

    ReplyDelete
  5. Ahm, parang ang panget niya tingnan...

    Okay, okay, maarte ako.

    ReplyDelete
  6. katcarneo- it takes a lot of toughness to eat this! haha :)

    ReplyDelete
  7. HAHA LOL! Nakakatuwa naman ang directions mo. Very entertaining. I love balut and will try this when I go visit there.

    Thanks for the laughs.

    ReplyDelete
  8. ginagawa din namin yan pre. ganyan na ganyan din ang itsura, ok lang ganyan dahil parepareho naman kaung lasing,haha

    ReplyDelete
  9. hahaha. . . kala ko part xa ng header layout mong inodoro. lolz! oist ha, i like your blog, unique xa especially itong post na to. :))

    eniwez thanks for visiting my blog :) hope u visit again. :)

    ReplyDelete
  10. i havent tried balut in my life..hehehe.. but with chili and vinegar maybe i can take a little of it..hehehe..

    thanks for the visit..

    ReplyDelete
  11. BALUUUUUUUUUT!

    parang suka....ahahaha!joke!

    If you're trying to promote your blog, mag comment ka lang ng magcomment sa mga blog posts ng iba.. saka mo sabihing bago ka at isama mo ang links mo..o kaya makipag exchange links ka ;D

    nice start.. keep blogging!

    cheers!

    ReplyDelete
  12. Hahahahah nice one.... nakaka miss na nga ang balut eh.... sarap kumain ngayon ng ganyan kasi malamig... pampainit samahan mo na din ng empi... hahaha

    ReplyDelete
  13. first time ko sa blog mo. thank you nga pala for visiting my blog ha!

    ay. nashock naman ako sa inidoro! hehe. but i honestly like the concept... madali kasing makaattract ng attention. good thinking!

    balot shake? pass ako. di nga ako kumakain ng balot eh... shake pa kaya? hehe.

    see you more around. kung type mo. exlinks tayo...

    maxi of www.healthnbeyond.com and www.ovahcoffee.com

    ReplyDelete
  14. hahaha medyo eew. masarap ba talaga?

    ReplyDelete
  15. Thanks for visiting my blog!
    I gotta try this balut shake, I wonder who I can feed it to other than me! lol

    ReplyDelete
  16. Hari ng Sablay- haha. korek tol

    Laine's Cutie Abode- salamat ah. I greatly appreciate it :)

    eden- yep. try some of it

    soberfruitcake- kaya mo yan

    Dylan Dimaubusan- thanks for the advice

    saul krisna- empi? GSM Blue na lang hehe

    MaxiVelasco- salamat. cge exlinks teu.

    Kcatwoman- masarap! hehe

    Mrs. Zeus- Feed it to Mr. Zeus. hehe

    ReplyDelete
  17. Paborito ko ang Balut. Sige nga, susubukan ko ito. :-D

    ReplyDelete
  18. Masarap ang balut! At ni minsan di naman ako nandiri, kaso mukhang nawalan ata ako ng gana ngayon ah! jijijijiji... Lilibrehin ko na lang lahat para tig isa tayo ng balut! jijijijij

    ReplyDelete
  19. dahil walang sinasanto sikmura ko...cge I'll try it...haha!

    link exchange?

    ReplyDelete
  20. Masarap ngang pulutan ito, lalo pa't may kasamang sili. Isa sa mga paborito kong pagkain ang balut at iniuulam ko sa kanin.

    Salamat sa iyong pagdalaw kaibigan at pagpalain ka ni Bro.

    ReplyDelete
  21. wow..angsarap naman nyan..
    natikman mo na ba yan parekoy?
    taena... astig..
    masubukan nga yan minsan..lolz

    yaaaaaakkkk

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  23. dyosa- sige subukan mo

    Xprosaic- asahan ko yang libre mo

    miss guided- ano ang relihiyon ng sikmura mo?

    The Pope- relihiyoso ka ba o mangiinum?

    Kosa- xempre natikman ko na. Ung picture sa taas ako gumawa. bat may yaak? kosa ka nga ba talaga? hehe

    ReplyDelete
  24. Sabaw lang gusto ko sa balut eh. Pero parang ang sagwa ng lasa kpag iniinom ko katas ng balut shake na 'to. Haha.

    Pero astig 'to! Bebenta 'to sa Iron Chef basta wag mo muna sasabihin ingredients hanggang di nila natitikman! Haha.

    ReplyDelete
  25. Ayyy..kumakain ako ng balut pero di ko alam kong kaya kong kumain nitong balut shake..heheheh pero mukhang masarap ha?matry nga

    ReplyDelete
  26. Pipo- masarap ang sabaw na may sili.

    Chuchie- try mo lang hehe. mura lang naman. 12 ata. pag sa seven-eleven 15 ata. hehehe

    ReplyDelete
  27. Balut Shake- Balut Snake
    pwede?! hehe

    ReplyDelete
  28. waaaa! ayaw..pass passpass..hindiko po kaya yan eh..weee. chnge links po..

    ReplyDelete
  29. gutom pa naman ako...

    di po ako nakain ng balut!

    ReplyDelete
  30. mary narvasa- sure

    reyjr- kain na :)

    ReplyDelete
  31. peyborit ko ang balut pero di ko kinakain yung sisiw. matray nga yang balut shake. hehe

    ReplyDelete
  32. awts... ndi ako kumakain ng balut eh... hehe... pero sabihin ko sa mga kasama kong matakaw sa balut.. baka magustuhan nila...

    ReplyDelete
  33. parang di ko ito matake na balut shake....
    wahhh ang lasa and itsura ata nito.....

    ReplyDelete
  34. Hi... salamat sa pag-bisita..

    hhmm.. hindi ako masyadong kumakain ng balot..
    Kung bibisita lang kami sa bahy ng lola ko
    dun ako nakaktikim ng balut...


    Pero balut shake?

    ano naman lasa niyan?

    ReplyDelete
  35. Jaymee- ang lasa nya ay balut pa rin at hindi adobo. Pero mas madaling kainin at mas maraming sabaw

    ReplyDelete
  36. Hi Bart, this is Mark from GMA News Channel 11
    Naghahanap kami ngayon ng mga kakaibang luto sa balut, and nakita ko 'tong site mo
    We would like to feature this sana, hehe ikaw ba talaga marunong magluto nito?

    May i ask for your contact detail?
    You can reach me thru 09062418734

    Hoping for your positive and immeadiate response Thanks!

    ReplyDelete