(Post ko dati to sa multiply site: VANILLA TIMES last 2007)
Si SB, yan ang pangalan ng aking muntihing aso, noon.
Nanay ko ang nagbigay ng pangalan niya. SB (in short: Sangguniang Bayan) pati aso ko nadamay sa mundo ng pulitika.
Ayun, sa una ay mahirap tawagin ang aso ko. Mahirap sabihing:
"Sangguniang Bayan! Sangguniang Bayan! kain na!"
Kaya SB na lang. Nagagalit kasi siya pag BS ang tawag ko sanya.Sa mga unang araw, si SB ay ang aking tagagising. Ginigising ako ng nanay ko ng maaga dahil sa mga lintik na tae ni SB.
Maraming uri ang tae ni SB.
1) taeng bruce lee (buros) 2) taeng vegetarian (taeng may damo) 3) taeng karaniwan
Marami rin akong mga sakripisyo na ginawa para kay SB. Nagtitimpla ako ng gatas para sa kanya (nido un). Ginawahan ko ng bahay na gawa sa karton ng washing machine. Sa kasamaang palad, pang one-night-stand lang pala ung bahay nya, nasira kasi sa lintik na tae at ihi ni SB.
Pagkatapos, natupad ang pangrap ni SB, nagkaroon siya ng bahay na gawa sa bakal. Hindi ko nga alam kung ano pumasok sa utak ng tatay ko kung bakit nya ginawa yun. Siguro nanalo siya sa jueteng o tong-its.
Marami akong mga sandaling di malilimutan kay SB.
Isang araw, may natuklasan akong kakaibang skill ni SB. Meron akong bola, tinapon ko, ayun, kinuha nya, kinagat. Lintik, di binalik.
Isang araw, bumaha sa amin, sa likod ng bahay namin. Ayun, sinundan ba naman ako. Tapos, tumae yung gago.
After one year
Si SB ay na massacre
Ginawang pulutan
Masakit mang tanggapin, pero kailangan. Para makamove-on ako, Nakikain na rin ako.
Ay censored ata ung picture? Anyways baka magalit sayo si Mayor Sonny Belmonte (SB) ng QC. Nagkalat kasi ung mga Litrato nya sa lansangan na may SB ang tatak.
ReplyDeleteGlampinoy: walang politika dito noypi
ReplyDeleteahaha. LAUGHTRIP x 2 :D
ReplyDeleteadyen: huminga ka naman
ReplyDeletemasarap ba si SB?
ReplyDeleteMadame K: oo pero tinae ko agad.
ReplyDeletewahahaha.... ang sarap tumawa!
ReplyDeleteJaypee: wag mong kalimutang huminga pre
ReplyDeletePre nagtrabaho ako dati sa SB (Sanguniang Bayan).
ReplyDeleteAyos tong blog mo ah! Sige try kong dumalaw uli!
Ingat
hahahaha. ayos ah. may tanong pala ako, kumakain ba ng damo si sb? bakit may damo yung tae nya. :D
ReplyDeleteDrake: Dalaw lang ulit. Libre naman
ReplyDeleteKeso: May damo kasi may pagka vegetarian yung aso kong yun
alam ko na bakit may damo yung tae nya..kasi nagdadamo yung amo? at yung peyborit past time nya eh parang namana nya rin sa amo.
ReplyDeleteappir!
Naalala ko ang aso namin dati. Kimo ang tawag namin kaya lahat ng nakagat nya ang tawag namin ay nakatikim ng kimo-therapy jejejeje...
ReplyDeletewahahaha..naalala ko ang aso naming pinangalanan ng nanay ko ng OTSO OTSO, dahil un pa ang pambansang awit dati na ngayo'y NOBODY na.. hayun, 5yrs old na xa.. wala ng ngipin.. inaantay q na lang ang kanyang huling tahol..
ReplyDeletemanik_reigun: ok na sana pero di ako nagadadamo. pero aaminin kung minsan kulay green tae ko
ReplyDeletedonster: aso ba yan o pusa
Aneng: ibenta mo na lang at nagkapera ka pa. marami dito sa amin naghahanap, presyong adik P150
Akala Ko pa Naman Serbisyong Bayan yang si SB.
ReplyDeleteGoryo: pwede rin
ReplyDeleteako ren game
ReplyDelete