1.31.2010

Tug-of-War

(Matagal ko nang planong magsulat tungkol dito, ngayon lang naglakas-loob, este nasipagan)

Nung mayor pa ng Maynila itong si Beach Lover, dinevelop nya ang Baywalk sa may Roxas Blvd. Nilagyan nya ng ilaw at nagkaroon ng mga resto at bar. Masaya at maingay. Pero at least, may iba pang pangtatambayan ng mga tao, hindi lang sa timog, eastwood o starbucks.

Pero, nung bumalik sa pagka-alkade tong si Mukhang Tulog, pinatanggal nya to. Naglaho ang kasiyahan at naging madilim ang paligid ng Baywalk. Inibaya nya ang so-called," paradise ng mga taong-grasa" dahil marami daw nag-cocomplain na maingay at marami daw krimen na nangyayari dito. At isa pa, di daw nagbabayad ng buwis ang mga establisyimento sa Baywalk. May point siya.

PERO:(Sa tingin ko)

Maingay at Magulo:
Kung maingay at magulo ang Baywalk, eh dapat pinasara na rin sana ang Timog, E. Rod, Malate, at ibang hot spot ng mga bar at happenings.

Buwis:
Kung di nagbabayad ng buwis ang mga resto at bar dun, pwede namang singilin sila o kaya bigyan sila ng order na kung di sila magbabayad eh banned sila. Imposible namang LAHAT ng mga establishimento dun eh hindi nagbabayad. Kayang kayang naman ata ni Manny Pacquiao magbayad ng tax (Knock out resto/bar)

Ewan ko lang ah. Pero parang may butas.

Mall of Asia. Yung likod nun, parang Baywalk.
Nung nawala ang ilaw ng Baywalk, bigla ba namang lumitaw tong sa likod ng Mall of Asia.
Parang may mali.
Kaya ang mga tao sa likod na lang ng MOA sila pupunta. Which means, Kung pupunta sila dun, eh mamasyal na rin sila sa MOA.

Hindi ako nagprepresume mga kapwa pilipino. Pero bakit. Ganito na lang lagi. Ang kasalukuyang naka-upo, may proyekto. Pero nang mapalitan siya, etong papalit naman, di nya itutuloy ang nasabing proyekto, gigibain at mawawalay. Sayang ang pera! Kung saan mabibili na natin ng maraming libro ang mga magaaral o kaya idagdag sa sweldo ng mga ulirang manggagawa.

Hindi ko pinapanigan si Beach Lover kasi ayaw ko rin siya. Kasi lagi ko na lang nakikita sa mga laban ni Pacquiao. Inuuna pa ang laban kaysa sa bayan.

Si Mukhang Tulog naman, hindi sa masama ang tingin ko sayo. Ngunit pag titingin ako sa may-ari ng MOA eh, parehas sila ng mata.

Ang di-maalintanang kapangyarihan ang humihila sa Pilipinas. Madali tayong iwala ng kapangyarihang ito. Dapat, tayo rin ang mag-gago sa kanila. Para sa huli eh, sila ang talo sa tug-of-war.
Bart Tolina

7 comments:

  1. Natumpok mo kaibigan. Pangsariling kapakanan lang iniisip ng mga trapo.

    ReplyDelete
  2. parekoy,

    ang moa nasa pasay di nasa maynila,
    ang e.rod at timog nman kyusi, yung malate lang ang nasa city of manila.

    ReplyDelete
  3. Dossiermanila:

    alam ko.
    Ang tanong ko lang sayo, porke't iba ang siyudad nito eh kailangan maiba to?

    kaya magulo, di iisa. kundi watak watak.

    ReplyDelete
  4. Ayos tong post mo na ito ah! nice post!
    maganda ang ibig mong sabihin..ano nga ba?hehe joke! pero ayos talaga to..^_^

    ReplyDelete
  5. ano bnmang mga tao yan. nkuuu. ang sarap katayin.

    ReplyDelete
  6. KESO: sinabi mo pa heheheh pero let's not use physical force.

    ReplyDelete