12.15.2010

Ang Tunay na Diskriminasyon


Ang Diskriminasyon ay ang paghusga sa kapwa.

Ang kadalasang diskriminasyon sa Pilipino ay madalas daw nangyayari sa ibang bansa. Ang di natin alam, ang tunay na diskrimasyon ay tayo. Di to napapansin at naitatala pagka't ayaw nating aminin na tayo rin ang humuhusga sa kapwa Pilipino.

Umuwi si Jack sa Pinas para ayusin ang kanyang bahay sa Pasay. Si Jack mismo rin ang nagayos ng kanyang tahanan.

Habang nagaayos ng kanyang bahay si Jack, siya'y biglang nagutom. "Pare, kain muna tayo", sabi nya sa isang kumpare na tumutulong magayos ng bahay. Ang suot lamang ay sando at butas-butas na short, si Jack at ang kanyang mga kasama'y lumuwas gamit ang isang tricycle. Sa karinderia sana sila kakain pero mas trip ni Jack sa isang sikat na resto na manok ang special.

Pagdating ng resto, pinark nila ang tricycle. Nakita sila ng security guard. "Hoy ano yan, itabi nyo yan", sabi ng Sikyu sa Jack.

"Customer po kami", sabi ni Jack sa sikyu na mukhang nabigla. Hindi pinansin ni Jack ang pagbati ng sikyu sa kanila. Pumasok sila sa resto. Pagkapasok sa resto na yun, nandun ang hostess sa front desk, na ang tanging trabaho ay batiin at pagserbehan ang mga bagong dating na customer.

Mukhang nandidiri ang hostess sa mga suot at dating nila Jack. Tiningnan lang nya sila. At maya-maya'y tinanong sila Jack.

"Ano po kailangan nyo?"

"Ano pa ba? Eh di kakain po, miss." Halatang nababadtrip na si Jack sa pinapakitang "diskrimasyon" ng mga empleyado ng resto na yun.

Mukhang napahiya ang hostess at itinuro sa kanila ang table at bingay ang menu. Nagorder ng masasarap na pagkain at ang manok na special ng resto. Dumating ang pagkain, at kumain sila Jack at mga kaibigan.

Pagbabayad. Hindi nakadala ng cash si Jack kaya kailangan nyang gamitin ang kanyang Credit card.

"P 1,520 po". sabi ng waitress. Iniabot ni Jack ang credit card sa waitress. Mukhang nagdududa ang waitress. Umalis. Maya-maya'y may isang kasamang tao, ang Manager.

"Taga saan po kayo? May ID po ba kayo?"

"Bakit ganito dito?! eto!", galit na galit na inabot ang California ID ni Jack.

Maitim ka man o maputi, maganda o panget, sikat o hindi, mayaman o mahirap, foreigner o tambay, mataba o sexy, doctor o conduktor, lawyer o barker o kahit sino man sa atin. Sana ay ang tuwid na linya ay masunod nang tama. Ang pantay na lipunan ay di nalalayo sa isang matagumapay at masaganang bayan. Pigilan ang matagal nang sakit ng ating lipunan.

Ngayon, siguro'y iniisip nyong napaka-kapal ng mukha ko at nagmamalinis ako. Di po ako nagmamalinis, ako rin nama'y di perpekto at inaamin ko na isa rin ako.

Sana ang mensaheng to'y umabot sa bawat Pilipino. Di man natin mapigilan ang diskriminasyon, pero maraming paraang mabawasan ito.

-Bart Tolina

3 comments:

  1. WAG DISKRIMINASYON. ASTIG KA TSONG

    ReplyDelete
  2. I agred with you, pero kahit san ka pumunta di nawawala yan. kultura na yata ng kahit na sino na tao yan

    ReplyDelete
  3. Dahil yan sa policy ng gagong intsik na may-ari ng resto. Kultura ng intsik yan na na-acquire ng bobong indio. Pweh!

    ReplyDelete