"Kung saan ka man mapunta, sana magkita ulit tayo..."
Dalawang taon na rin akong di nagsusulat. Ilang araw ko ding pinagisipan kung babalikan ko pa ang parte ng buhay kong ito. Ang isang bagay na masasabi kong nagdala ng maraming masasayang alaala sa aking "maikli na medyo makulay na lakbay" sa mundong to.
Ginawa ko ang blog na to, January 20, 2009. Ilang beses ko na ring pinindot ang, "forgot password". Marami na rin akong post na nagbigay ng maliit na kasikatan sa aking feeling-sikat-na-writer-wannabe fantasy. Oo, gusto ko rin maging Bob Ong at PMJ dati. Oo, pinangarap ko rin manatili lang sa kwarto, magsulat, kumita ng maliit na pera, tago sa tao at maging masaya sa ginagawa ko.
Ang unang linya ay sinabi sa akin ng isang malapit na kaibigan. Bilang malapit na kaibigan, binalikan ko rin to. Ang picture sa taas ay isa sa aking mga napuntahan na maraming alaala, masaya at malungkot.
"Masarap balikan ang nakaraan, pero mas importanteng harapin ang kinabukasan"
1.20.2009
-Bart Tolina