5.14.2009

Inuman Legend: The Happy Horse

"Witness the greatest cover-up in Drinking History"
-Baron Geisler

Ang sinusulat ko ngayon ay tungkol sa: Inuman Legend: The Happy Horse.
Nung Beginner Tomador pa ako noon, lagi kong naririnig ang Happy Horse na yan. Madalas kong itanong sa barkada ko, "Ano ba yon tol?".
Ang sabi naman ng aking barkada: "To drink is to believe"
Langhiya may pa-quotequote pa siya. Pero tama nga naman siya. Para maniwala ka sa legend na yun, dapat mo itong daanan. Para makapaglevel-up ka sa pagiging tomador, kailangan mo itong maranasan.

Siguguro naguguluhan kayo kung ano yang Happy Horse na yan. Eto na, ang Happy Horse ay isang Red Horse. Isa itong sikreto na dapat malaman ng lahat ng tomador. Sabi nila, Ang Happy Horse ay mas malakas sa isang ordinaryong Red Horse. Ika nga nila, "para kang binetsyin".

Para maniwala kayo, ito ang sample ng Isang Happy Horse:


Ang may X na bote ay ang Happpy Horse. Pansin nyo ba ang pagkakaiba:
1. May ikalawang bilog sa kabayo habang yung normal na Red Horse ay wala.
2. Pansin nyo ba ang mukha ng kabayo sa Happy Horse? Iba di ba? At ang likod:


Sa likod naman, ang Happy Horse ay may pulang lettering habang ang normal na Red Horse ay puti.

Ngayon alam mo na ang Inuman Legend na ito, di ka na magiging inosente pagdating sa topic na ito. Sa bawat beer na ibibigay sayo ng barkada mo lagi mong tingnan kung Happy Horse ito o normal na Red Horse lamang. Kung gusto mong malasing na makakalimutan mo ang pangalan mo, uminum ka ng Happy Horse.

Tatanungin ka, "Bakit? Alam mo ba yung Happy Horse?".
Sasabihin mo, "Syempre, nabasa ko na ata yun sa barttolina.blogspot.com".
(Lasing ka na nga, napromote mo pa ang site ko hehehe :D)

46 comments:

  1. astig! meron palang ganyan. matagal tagal na din akong umiinom pero hindi ko alam na meron pa lang happy horse.

    ReplyDelete
  2. teka san na pagkain dito? totoo daw yan sabi nila. nakakita na ako ng ganyan na bote nung nag ooperate pa kami ng ihaw2 na hito sa cotabato na may inuman din. mas malakas nga daw sabi ng mga parokyano namin dun. lang hiya, naalala ko tuloy may ari nun. sabi nya 50% sharing yun pala hinde!!!

    ReplyDelete
  3. halo-halo espesyal- inihaw na hito? ang sarap naman.hehe Dapat pina-Barangay mo siya.

    ReplyDelete
  4. tama ka pre. ang alam ko bawat isang case may isang ganyan. kaya kung nagtitipid ka piliin mo ang kabayong tuwang tuwa habang tinatadyakan ka

    ReplyDelete
  5. Paalala: Hinay hinay lang sa paginum neto

    ReplyDelete
  6. peborit ko yang hapii horse lakas tama eh!

    ReplyDelete
  7. hanggang ngayon hindi pa ko nakakatikim ng happy horse. :( ang iniinom ko puro mga beer na pang bakla. sorry naman. haha

    ReplyDelete
  8. nyahahahahaha nice nice!!!!
    ang galinggggggggggg
    now i know!!!
    whew!!ang galing tlga.
    galing mo kuya!!! ^_^
    salamat sa pag-share heheh
    may mga gnon pa pla lols.
    :p

    ReplyDelete
  9. miss guided- wow tomador

    tomato cafe- beer na pang bakla? anu yun?

    ReplyDelete
  10. ay totoo yan! noong dating tomadora pa ako, alam ko na meron na ganyan na bote akong nakasalamuha. hehehe... kya mag inggat sa happy horse at bka masipa ka ng todo todo hahaha

    ReplyDelete
  11. atribidang mayora- yep. parang toro sa mexico

    ReplyDelete
  12. naiinis ako sa mga malakas uminom na hindi nila alam na may HAPPY HORSE. ayoko nyang serbesa na yan dahil malakas ang tama, at masakit sa ulo. hahaha.

    nasan yung libreng pagkain?lol

    ReplyDelete
  13. PoPoy- at malakas sa hangover.

    Ubos na yung Fuds. hehehe

    ReplyDelete
  14. may laman bang droga ang happy horse? hahaha. ala lang, kasi happy horse. pero mas gugustuhin ko na si red horse. :D

    ReplyDelete
  15. reigun_manik- yep. lahat masaya

    Ang buhay sine- ang haba ng pangalan mo.

    yep, no one beats the original.

    ReplyDelete
  16. aba malaking tulong yan para sa mga tulad ko, pero sa totoo lang hindi ko napapansin un ah... salamat, napadaan lang po!

    ReplyDelete
  17. ayun.. tulad nga ng sainasabi ko nun isang araw...

    ASTIG!:)

    wooaaah....

    dko talaga alam na may ganyan pala :P
    naicp ko tuloy sa dinami daming beses akong umuwing lasing, bagsak at wala sa huwisyo sa tuwing magiinuman kami ng mga kaklase ko eh baka un din ang nainom ko.

    at sa ngaun binabasa ng buong opisina ang blog mo, at issue na issue dito ngaun. hahaha.. ang pagkakaiba ng happy horse sa redhorse.
    dang!


    saludo ako sayo!:) toinks.
    :p

    ReplyDelete
  18. putekk! paborito ko tlga red horse! ngaun ko lang nalaman ang tungkol dito sa happy horse na ito! haha. lupit!

    salamaat sa inpormasyon! :]

    ReplyDelete
  19. may ganun pa pala? white horse..tsk... pero teka tol, taga sta. ana ka ba? as in Manila?

    ReplyDelete
  20. livingstein- walang anuman ho

    kristinechoa- at pulutan na rin

    ReplyDelete
  21. yza- wow, salamat. pati ba sekyu nyo alam nya rin? hehe. :D

    jeszieBoy- lupit na parang bagong gupit

    ReplyDelete
  22. Marlon- ang white horse sa pagkakaalam ko ay makakabili ka sa japan. sa japan, ilocus norte. hehe

    palipatlipat kasi ako eh. nomadic tambay po ako

    ReplyDelete
  23. ewan ko alika tanungin natin? haha

    ReplyDelete
  24. let's cheers to that! hahaha!

    love,
    nobe

    www.deariago.com
    www.iamnobe.wordpress.com

    ReplyDelete
  25. amp!!
    IMBA!!
    ma ganun ganun papla
    sa REdhorse

    ReplyDelete
  26. anu ba yan, nasayahan naman ako masyado, muntik ku pa mabasa lahat ng comments. *chismosa*

    onga aco din dpa nkakakita.. zzzz..

    ReplyDelete
  27. Nobe- kampay?!

    kcatwoman: inispike? volleyball? hehe

    Carl: May ganun talaga. Secret lang ah

    Iisaw: magkano tenga? isaw na lang magandang pulutan hehe

    ReplyDelete
  28. nyahahahahaha. yun lang. lulz. tomador!!! painum ka nman jannnnnnn. eh alam mo din pala kng pano malaman kng babae o lalake ang redhorse mo? tzssk..

    ReplyDelete
  29. haha loko.. sa kanto mdaming isaw, tenga ng kapitbahay nmen gs2 mo? xD

    wow.. pde din malaman kng babae o lalake ung redhorse? wahaha

    ReplyDelete
  30. Madame K: walang gender ang red horse. Kasi kung babae yung red horse, lasang vodka na yun.

    Iisaw: Medyo di ko pa naresearch yan. Ang nireresearch ko nga yun kung merong red donkey.

    ReplyDelete
  31. narinig ko na nga yan. hindi ko lang alam na totoo palang talaga gusto ko matry yan. san naman yan makukuha????

    ReplyDelete
  32. waaaah! ayus tol...observant ka..hehe..maghahanap ako ng Happy Horse...

    ReplyDelete
  33. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  34. old bottle lang yan no?
    1983 bottle yan na misprint lang... kala mo lang nakainom ka ng malakas kasi alam mong matatamaan ka, psychologically.... im not bias to all of you guys pero thats the truth... gusto ko din maniwala kong nakainom na ako ^_^

    ReplyDelete
  35. haha! matagal na ung bote na un.. ang alak kasi.. habang tumatalagal lalong lumalakas ang spirit. kaya naniniwala ako na malakas talaga tama nian.. talagang cnasamahan ng ganyan sa isang case para nman d masayang ung mga hindi naubos nung bandang 90's

    ReplyDelete
  36. may nabibili pa ba nyan ngayon?

    ReplyDelete
  37. Quote from one blogger:
    "OF course, the alcohol content - and therefore taste - of Red Horse Beer has changed over the years. In the 70s and 80s, Red Horse Beer was positioned against gin (Ginebra San Miguel), as the beer for maturing beer drinkers about to make the shift to hard liquor. The alcohol content of Red Horse Beer then was about double. Over the years, the kick of the brand was tamed. Today, Red Horse Beer is positioned as the teener's first beer, a vastly different brand proposition." - Rey Mendoza

    Sa palagay ko lumang timplada ng red horse ang happy horse na inihahalo sa mga bagong red horse kaya malakas ang tama kaya miminsan mo lang makita sa isang case..

    ReplyDelete